346283828_547696444203010_6688993887466746314_n

OATH TAKING

Pinasinayaan ni Bangsamoro Party President Datu Muslimin G. Sema ang panunumpa ng mga Municipal Chairmen ng Bangsamoro Party, Maguindanao del sur, Provincial Chaprter. Inaasahan na sa darating na Barangay Election kung ito ay matutuloy ay unang pagkakataon na susubukan ng Bangsamoro Party na lumahok sa naturang eleksiyon.
Hinikayat ni BaPa President Sema na magtulungan at magbalik tanaw sa nakaraan kung papaano umalalay ang mga Barangay para sa kapakanan ng bawat Bangsamoro noon.
Mas malaking hamon ang nasisilayan natin sa panahon ngayon kung ating ihahambing noong panahon ng “arm struggle” kahit pa ang layunin nito ay iisa ang makamit ang Karapatan ng bawat Bangsamoro ayon sa mensahe ni BaPa Vice President for South Central Mindanao Romeo K. Sema, DPA at pinaalalahanan ang bawat is na tandan ang mga payo ni BaPa President Sema at magsilbing inspirasyon sa kakayanan ng bawat isa tungo sa tagumpay.
Naroon din si former Mayor Abdulkarim Langkuno at kasalukuyang Treasurer ng Moro National Liberation Front, Central Committee upang ipakita ang buong suporta sa Bangsamoro Party at ibinahagi niya ang kanyang makulay na karanasan sa usaping politika sa loob halos ng dalawang dekada. Sa mga susunod na mga panahon ay tutugonan ng Bangsamoro Party ang panawagan ng mga Bangsamoro na sila rin ay maging kasapi ng Partido.
Tags: No tags

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *